Uso siraan sa competition..

Nakakatawa lang. Ang dami kong naririnig. Lalo na sa mga parents at supporters naming mga candidate sa Mutya ng Trece. Sari-saring kwento at chismis, mapa-saan ka man! 

Isang halimbawa yung nangyari kanina habang rehearsals namin. May isang magulang ng candidate, nagpapahinga kami nung isa pang candidate. Kwento siya ng kwento, buti sana kung yung kinu-kwento niya maganda. Kaso puros ng sinasabi niya eh tungkol dun sa isa pang candidate ng Mutya ng Trece at hindi pa maganda mga sinasabi niya. Kesyo bakit daw nung nasa SM Dasma naiiba daw yung candidate ng pants. Eh dapat daw naka-maong kami lahat. Kesyo lagi daw umeeksena si ganito ganoon. Papansin daw lagi. Ang malala pa diyan pati personal na buhay nung candidate, ginagawan niya ng kwento. Pati ba naman pagka-virgin nung tao kailangan pang pag-kwentuhan? Isa lang naman ang dahilan kung bakit mo sinisiraan yung tao, kasi siguro tinuturing niyang threat yung candidate na yun dun sa anak niya.

Sobrang naiinis na natatawa na lang ako sa parents na yun. Nagkampihan pa yung ibang parents. Haha! Kahit naman ako ang dami ko din talagang naririnig na paninira sa’kin, dun pa mismo sa mga kabarangay ko ah. Oha! Saan ka. Kesyo import daw ako, na hindi naman daw ako taga-Conchu talaga. Dinala lang daw ako nung previous Mutya ng Conchu galing Manila. Hello? 17 years na po akong naninirahan sa barangay natin, sadyang hindi lang talaga ako galang bata. Lagi kasi akong kulong sa bahay. Tsaka hindi ko daw deserving na mapili kasi hindi daw ako dumaan sa pre-screening, dumeretso daw kasi ako audition sa organizers. Anong say ko naman dun? Yun na nga, may pre-screening na nga sila edi dapat alam na nila yung ipapakita nila sa organizers. Tsaka sana ginalingan nila sa audition kasi ako inayos ko talaga pag-o-audition ko. Nakakapang-hina nga yung barangay namin. Todo suporta man ang kapitan, baliktad naman yung kabarangay mo. Pero keri lang lahat ng negative comments. 

Tatawanan na lang naming mga candidates. Hindi naman kasi nila kami kilala, at hindi din naman nila alam yung hirap na pinag-dadaanan namin dito. Ang masasabi ko lang, ine-enjoy ko lang talaga yung experience. Ayoko ng competition. Sumali naman kasi talaga ako para ma-develop yung sarili ko, at sa tingin ko naman naachieve ko na yun paunti-unti. Kaya thankful pa rin ako sa inyo, haters and supporters. Siraan kung siraan! Tawanan kung tawanan! Haha! Keri lang!

1 note
Posted on Monday, 21 May
Tagged as: mythoughts mutya ng trece mutya ng conchu conchu mysay siraan
Next Post Previous Post
  1. iamyourmonina posted this
Theme Urban v3 by Max Davis